55 Chinese vessels naispatan sa West Philippine Sea

Ayon kay Phl Navy spokesman for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, ang nasabing mga vessels ng China ay namonitor noong Abril 15 ng hapon.

MANILA, Philippines — Nasa 55 mga barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy na nakapalibot sa limang isla na inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Phl Navy spokesman for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, ang nasabing mga vessels ng China ay namonitor noong Abril 15 ng hapon.

Ang 55 Chinese ships ay kinabibilangan ng dalawang China Coast Guard (CCG) craft at 24 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs) sa may bahagi ng Bajo de Ma­sinloc o Scarborough Shoal.

Gayundin ang isang CCG ship at limang Chinese Fishing Vessels malapit naman sa Ayungin Shoal, isang CCG at 19 CMMVs sa Pagasa, dalawang CMMV sa Panata Island at isa pang People’s Liberation Army Navy ship sa bahagi ng Lawak.

Ang nasabing bilang, ayon sa opisyal ay higit na mataas sa 45 Chinese ships na naispatan sa WPS noong nakalipas na Abril 10.

“Their activities have been varied, some of them would be lying to or stationary, ­others would be moving, doing pat­rols,” anang opisyal.

Nang matanong naman sa tila unti-unting pananakop ng China sa mga isla ng Pilipinas, sinabi ni Trinidad na simula pa noong 1990 sa paglisan ng US military base sa Subic, Zambales ay nagsimula ng maging agresibo ang China.

Show comments