Pangulong Marcos: Arrest warrant ng ICC vs Duterte ‘di kikilalanin

Ayon sa Pangulong Bongbong Marcos, hindi kinikilala ng Pilipinas ang ICC kaya walang tulong na aasahan ang mga ito.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kikilalanin ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Pangulo, hindi kinikilala ng Pilipinas ang ICC kaya walang tulong na aasahan ang mga ito.

“We don’t recognize the warrant that they will send to us. That’s a no,” saad ng Pangulo.

Paliwanag pa ni Marcos, walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil matagal nang kumalas ang bansa dito.

Bukod dito, gumagana rin naman aniya ang hudikatura sa Pilipinas.

“That is the reason why we are saying we are well within the rules. It is their rule. It is the rule of ICC that they come in when there is no judiciary, they come in when there is police force. We have a judiciary,” pahayag pa ni Marcos.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong crime against humanity sa ICC dahil naging madugo ang kanyang anti-drug war campaign.

Show comments