Marcos sa ‘secret deal’ ni Duterte sa China: Maraming palusot
MANILA, Philippines — Maraming palusot sa sinasabing pinasok na gentleman’s agreement ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may tatlong simpleng katanungan lang naman siya sa dating mga opisyal ni Duterte tungkol sa naturang isyu.
Kabilang anya sa mga katanungan ni Marcos ay kung mayroon talagang kasunduan na pinasok, ikalawa ay kung ano ang nilalaman ng secret agreement at ang ikatlo ay kung bakit itinago ang naturang kasunduan at wala kahit anumang dokumento, kasulatan o video tungkol dito.
Iginiit ng Pangulo na simpleng mga katanungan lang naman ito subalit hindi siya makakuha ng direktang sagot mula sa mga dating opisyal ni Duterte at iba-iba ang sinasabi.
“These are very simple questions but im finding a deal of difficulty finding answers because i hear one thing, and another thing, and another thing. Its all very, maraming palusot in other words. I dont know how to translate in english but mraming palusot,” ayon pa sa pangulo.
Kumbinsido naman si Marcos na mayroong secret agreement dahil na rin sa pagkumpirma dito ng Chinese government.
Sa ngayon ayon sa pangulo, hindi niya nakikita na may legal liability si Duterte dahil wala pang nahahanap o nakikita tungkol sa sinasabing kasunduan.

Gemma Garcia

- Latest