Import ban sa domestic, wild birds mula Belgium, France inalis na ng DA

MANILA, Philippines — Maaari na ulit makapag-import ang Pilipinas ng domestic at wild birds mula sa bansang Belgium at France.

Ito ay makaraang alisin na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban para sa importasyon ng naturang kalakal mula Belgium at France.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. bukod sa domestic at wild birds ay lifted na rin ang import prohibition ng ibang produkto tulad ng poultry meat, day-old chicks, eggs at semen.

Ang desisyon ay ginawa ng DA nang makitang wala nang nadagdag na bird flu outbreaks sa Belgium mula Feb. 21 at sa France mula Feb. 24.

Noong nagdaang taon naiulat na ang Belgium at France ay infected ng highly pathogenic avian influenza H5N1 strain ang manukan.

Layon ng hakbang na maingatan ang poultry industry sa Pilipinas.

Show comments