Mayorya ng Pinoy pabor sa mandatory ROTC

A SOLDIER of the 1st Scout Ranger Regiment of the Philippine Army instructs an ROTC cadet officer.
Businessworld / KGUIRNELA

MANILA, Philippines — Karamihan sa mga Pilipino, o 69%, ang sumusuporta sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga kabataan, base sa lumabas na resulta ng Pulse Asia survey.

Ayon sa isinagawang survey noong Disyembre 3-7 at kinomisyon ni Senate­ President Juan Miguel Zubiri, pinakamataas ang suporta sa pagpapatupad ng mandatory ROTC mula sa Mindanao (79%), kasunod ng Visayas (74%), National Capital Region (67%), at Balance Luzon (63%).

Sa isa pang Pulse Asia survey na kinomisyon naman ni Sen. Win Gatcha­lian noong nakaraang taon, lumabas na 78% ng mga kalahok sa buong bansa ang nagsabing pabor sila sa pagpapatupad ng ROTC sa kolehiyo. Isinagawa ang naturang survey noong Marso 15 hanggang 19, 2023.

Si Gatchalian, ang isa sa mga may akda at co-sponsor ng Senate Bill No. 2034 o Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act.

Layunin ng panukala na gawing institutionalized ang mandatory Basic ROTC Program sa mga Higher Education Institutions (HEIs) at Technical Vocational Institutions (TVIs) para sa lahat ng mga mag-aaral na naka-enroll sa hindi bababa sa dalawang taong undergaduate degree, diploma, o mga certificate program.

Show comments