Abot-kayang ‘personalized, holistic’ approach vs breast, ovarian cancer dadalhin sa Pinas
MANILA, Philippines — Isang personalized at holistic approach ang bagong ilalatag ng isang pharmaceutical company at molecular diagnostic laboratory sa abot-kayang halaga na magbibigay ng pag-asa sa mga pasyente ng breast at ovarian cancer sa bansa.
Lumagda kamakailan sa partnership deal ang Detoxicare Molecular Diagnostice Laboratory at global-science led AstraZeneca para sa pinagsamang next generation sequencing (NGS ) at medical expertise para sa kanser sa suso, na nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang pasulong sa paglaban sa nakakapanghinang sakit na ito.
“Detoxicare’s commitment to making advanced diagnostics affordable and within reach has been a driving force in reshaping the landscape of healthcare accessibility,” ani Gjay Ordinal, M.D, President ng Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory.
Ang pamamaraang ito ay hindi lamang nagpapahusay sa pagiging epektibo ng paggamot ngunit pinapaliit din ang hindi kinakailangang toxicity at mga side effect.
Maari ding gamitin ang approach na ito sa iba pang uri ng kanser.
“We are redefining oncology in AstraZeneca, where we aspire for a future where cancer cure is possible through our life-changing medicines, alongside partnerships and ecosystem solutions that allow early detection, diagnosis, and equitable cancer care for patients,” ani Lotis Ramin, AstraZeneca Country President.
Isa sa nagsusulong ng programa upang labanan ang breast cancer ang Quezon City LGU, kung saan nagkaloob ng libreng screening ang QC Health Department sa 22,476 kababaihan mula sa 6 na Distrito ng lungsod. Nasa 146 ang positibo a breast mass.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon, ikalawa ang cancer sa sakit na ikinamatay ng mga Pilipino na kinabibilangan ng lung, liver, breast, colorectal, at prostate cancers.
- Latest