^

Bansa

Higit 7K iskul, nagsuspinde na ng face to face classes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 7K iskul, nagsuspinde na ng face to face classes
A student uses an envelop to protect herself from the sun during a hot day in Manila on April 2, 2024. More than a hundred schools in the Philippine capital shut their classrooms on April 2, as the tropical heat hit "danger" levels, education officials said.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 7,000 paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsuspinde na ng kanilang face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa 7,080 na, mula sa kabuuang 47,678 paaralan sa bansa o 14.8% ang nag-anunsiyo ng suspensiyon ng in-person classes at lumipat na ng alternative delivery modes.

Nabatid na pinakamara­ming apektadong paaralan sa Central Luzon na nasa 1,903.

Sumunod naman ang Central Visayas na nasa 870 at Western Visayas na nasa 862.

Sa National Capital Region (NCR) naman, nasa 311 paaralan na ang nagsuspinde ng face-to-face classes.

Una nang binigyan ng DepEd ang mga school heads at mga local go­vernment units (LGUs) ng awtoridad at diskresyon upang magsuspinde ng face-to-face classes kung napakainit ng panahon sa kanilang nasasakupan para na rin sa kapakanan ng kanilang mga mag-aaral at mga guro.

vuukle comment

DEPED

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with