Pagbawi sa lisensiya ng mga baril ni Quiboloy pinag-aaralan ng PNP
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Philippine National Police Firearms and Explosives Office (FEO) ang posibleng pagkansela sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, base sa records ng FEO ay 19 na baril ang nakarehistro sa pangalan ni Quiboloy kung saan isa rito ay paso na ang lisensya nitong Marso.
Ani Fajardo, nakasaad sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Law of 2012 ang mga dahilan na pwedeng gawing basehan ng pagkansela ng LTOPF.
Kabilang na rito ang pagkaka-convict sa Crimes of Moral Turpitude.
Dahil hindi pa convicted si Quiboloy sa kinahaharap nitong kasong sexual abuse, hindi ito pwedeng gawing basehan sa pagkansela ng kanyang LTOPF kaya’t kanila nang pinag-aaralan sa ngayon kung maaring gawing grounds ng pagkansela ng LTOPF ni Quiboloy ang hindi nito pagre-renew ng lisensya ng baril.
- Latest