^

Bansa

Mga bansa sa Europe interesadong lumahok sa MCA war games sa WPS

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng interes ang mga bansa sa Europa na lumahok sa susunod na multilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) war games partikular na sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. matapos naman ang matagumpay na multilateral MCA na isinagawa ng Pilipinas, Estados Unidos, Japan at Australia noong linggo (Abril 7).

“European countries ( interested ) but I will not mention,” ayon kay Brawner dahil kailangan pa ng pagsasapinal ng negosasyon para sa multilateral MCA sa hinaharap.

Nagsilbing observers ang South Korea, India, Canada, United Kingdom, Thailand, Singapore, Vietnam, Indonesia, Brunei, Malaysia, Germany at New Zealand.

Ayon kay Brawner, malaki ang naitulong ng katatapos na multilateral MCA sa taktika at mga pamamaraan para sa pagpapalakas pa ng kapabilidad ng AFP partikular na sa Philippine Navy.

Nilinaw naman ng Chief of Staff na hindi ito panindak sa China kundi pagpapakita ng pagkakaisa ng mga bansa na rumerespeto sa ‘rules based order’.

Sinabi pa ni Brawner na kung maisakatuparan ito ay hindi ito dapat ikagalit ng China dahil wala naman silang lalabaging batas.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with