^

Bansa

NGCP pinuri ni Pangulong Marcos sa tagumpay ng CNP project

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa matagumpay na natapos ang Cebu-Negros-Panay (CNP) 230kB backbone project.

Isinalarawan ni Pangulong Marcos ang proyekto bilang “milestone in our pursuit to enhance the resilience and reliability of our power infrastructure”.

Pinangunahan ng Pa­ngulo ang sabayang inauguration at ceremonial energization ng CNP sa Bacolod City, Negros Occidental at sa NGCP Barotic Viejo Substation, Iloilo at Magdugo Substation sa Cebu.

Dahil magagamit na ang CNP, tiwala si Pangulong Marcos na ang tumataas na demand ng enerhiya sa nasabing mga lalawigan ay makakatulong at tutugon ito para sa bagong socio-economic advancements ng regions 6 at 7 na mayroong combine contribution na P2.24 trillion sa ekonomiya noong 2022.

Bukod sa maasahang transmission system, iginiit din ni Marcos na kailangan pa ang mas mara­ming power generation sa Visayas para matugunan ang pangangailangan dito, kasabay ng panawagan sa stakeholders na maglagay sa mga tamang lokasyon para sa baseload generation plants gayundin sa renewable energy at energy sto­rage systems.

Samantala, sinabi naman ni Cynthia Alabanza, Asisstant Vice-President ng NGCP na ang CNP ay makakatulong para palakasin ang katatagan sa Visayas tuwing mayroong power interruptions, subalit hindi lang dito dapat nakasalalay kundi kailangan pa rin ng mas maraming stable power supply kada isla para maiwasan na ang blackout.

Paliwanag ni Alabanza, ang karagdagang power plants ay crucial para sa steady supply ng elektrisidad sa rehiyon.

vuukle comment

INFRASTRUCTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with