^

Bansa

Student discounts valid pa rin tuwing holidays

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Student discounts valid pa rin tuwing holidays
Jeepney conductors hold signage showing the new jeepney fare at Philcoa, Quezon Cityon October 8, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Para sa mga mag-aaral na nagpaplanong bumiyahe sa holiday at ngayong Holy Week, ipinaalala ni Sen. Sonny Angara na ang 20 porsiyentong diskwento sa regular na pamasahe ay dapat pa ring ipatupad sa anumang uri at paraan ng transportasyon.

Ang buong taon na diskwento ay ibinibigay sa ilalim ng Republic Act 11314 o ang Student Fare Discount Act, ang batas na inakda at itinataguyod ni Angara.

“Sa lahat ng estudyante, siguraduhin ninyo na may dala kayo na student ID bago kayo magbayad ng ticket sa eroplano, barko, bus o tren. Tuluy-tuloy ang 20 percent na discount sa inyo kahit holiday,” ani Angara.

Sa ilalim ng batas, ang diskwento ay magagamit sa buong panahon habang ang mag-aaral ay naka-enroll, kabilang ang mga katapusan ng linggo at pista opisyal.

Tinatanggap din bilang pagkakakilanlan para sa mga mag-aaral ang kanilang validated enrollment forms sakaling wala silang maipakitang students ID.

Ang pagkabigong igalang ang diskwento sa pamasahe ng mag-aaral ay may kasamang mga parusa, para sa mga may-ari o operator ng mga serbisyo sa transportasyon at kanilang mga kinauukulang empleyado.

vuukle comment

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with