Sibilyan pwede nang magmay-ari ng semi-automatic rifles - PNP
MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga sibilyan na magmay-ari ng semi-automatic rifles.
Ito’y matapos na isagawa ang pag-amyenda sa ilang mga implementing rules and regulations ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nabatid na sumailalim sa pag-aaral ng technical working group ang ilang probisyon kaya naaprubahan ang IRR.
“Pwede nang magmay-ari ang sinumang civilian ng 7.62, ‘yun pong M14 pababa, basta ‘yung baril hindi siya automatic ‘yung sa selection niya,” ani PNP-Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo.
Naisumite na rin ng PNP ang ilang amendments ng University of the Philippines Law Center para sa publication.
Ipatutupad naman ito matapos ang 15 araw na publication.
- Latest