^

Bansa

Surot, daga, ipis sa NAIA sisiyasatin ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisilipin ng Kamara ang nag-viral sa social media na mga surot, daga, ipis at iba pang mga isyu na nakakaapekto sa imahe ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Sinabi ni OFW Partylist Rep. Marissa Magsino na naghain siya ng House Reso­lution (HR) 1615 matapos na maalarma sa viral videos at mga reklamo sa mga insidente ng surot, ipis at mga daga sa NAIA terminals na aniya’y bukod sa nakakatakot ay delikado pa sa kalusugan.

Inihayag ni Magsino na nakadagdag pa sa problema sa NAIA ang negatibong reputasyon nito sa buong mundo dahilan sa mga insidente ng nakawan sa mga bagahe na dumaraan sa Xray machine na kinasangkutan ng mismong mga empleyado dito.

Binigyang diin ni Magsino na bugbog na ang imahe ng bansa dahil sa paulit-ulit na isyu sa NAIA na nakakaapekto sa dignidad ng Pilipinas at maging sa industriya ng turismo sa bansa.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with