31-anyos tsinap-chop, sinunog, itinapon sa dagat
Hinihinalang biktima ng rape
MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 31-anyos na babae matapos itong paslangin, itsap-chop ang bangkay ay sinunog pa ito saka itinapon sa dagat nitong Biyernes sa bayan ng Tarangnan, Samar.
Sa inisyal na report ng Samar Police, posibleng ginahasa o tinangkang gahasain ng suspect ang biktimang ipinatago ng pamilya nito sa pangalang Joyce.
Base sa paunang imbestigasyon, nagtungo ang suspect sa bahay ng biktima sa Brgy, Cahunghan, Tarangnan kung saan posibleng ginahasa ito o nabigo sa pagtatangka.
Ang bangkay ng biktima ay tsinap-chop matapos patayin ng salarin na hindi pa nakuntento ay sinunog pa sa kahuyan kung saan ang ulo nito at iba pang parte ng katawan ay isinilid sa sako saka itinapon sa dagat upang iligaw ang imbestigasyon.
Bandang alas-3 ng madaling araw nitong Sabado ng matagpuan ng isang mangingisda ang lumulutang na sako sa karagatan na naglalaman ng sunog na ulo at iba pang bahagi ng katawan ng biktima.
Agad naman itong inireport ng nasabing mangingisda sa mga opisyal ng barangay na tumawag ng pulisya upang siyasatin ang karumal-dumal na krimen.
Samantala isang ‘person of interest’ naman ang kasalukuyang iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya dahilan sa posibleng kinalaman nito sa krimen at kakaibang ikinikilos.
Kaugnay nito, patuloy namang sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng nasawing biktima.
- Latest