^

Bansa

67 dengue deaths naitala – DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
67 dengue deaths naitala � DOH
Base sa datos, mula Enero 1 hanggang Pebrero 10, 2024, umabot na sa 67 ang dengue deaths o may case fatality rate (CFR) na 0.32% para sa taong 2024.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 67 dengue deaths ngunit tiniyak na bumababa na ang mga naitatalang kaso ng naturang sakit sa bansa.

Base sa datos, mula Enero 1 hanggang Pebrero 10, 2024, umabot na sa 67 ang dengue deaths o may case fatality rate (CFR) na 0.32% para sa taong 2024.

Iniulat din ng DOH na hanggang noong Pebrero 23, 2024, nakapagtala sila ng 11% reduction o pagbaba sa mga dengue cases sa bansa.

Naobserbahan umano ang naturang pagbaba mula Enero 14-27, na may 7,434 kaso lamang ng sakit, kumpara noong Enero 1-13, na mayroong 8,368 kaso.

Ayon pa sa DOH, nagkaroon pa ng higit na pagbaba mula Enero 28 hanggang Pebrero 10, 2024, kung saan 5,267 kaso na lamang ang naitala.

Samantala, ang Region X, na nakapagtala ng 1,384 kaso, at Caraga na may 715 bagong kaso, naman ay nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng dengue sa nakalipas na 3-4 linggo o mula Enero 14-27, kumpara sa dalawang unang lingo, o mula Enero 1-13.

Tiniyak pa ng DOH na patuloy nilang minomonitor at ina-assess ang sitwasyon upang makapagpatupad ng mga kaukulang pamamaraan at interbensiyon.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with