^

Bansa

National IDs ‘di tinatanggap na pruweba sa government offices

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
National IDs ‘di tinatanggap na pruweba sa government offices
Sa ilalim ng RA 11055  na naisabatas noong Agosto 8, 2018 ang PhilSys national ID ay magsisilbing valid identification na maaring gamitin sa transaksiyon sa negosyo sa gobyerno at ma­ging sa pribadong sektor.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Wala umanong silbi ang PhilSys ID o ang national ID dahil hindi ito tinatanggap na pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang mga opisina dahil umano sa kakula­ngan ng lagda.

“Without a specimen signature on it, the Philip­pine National ID has apparently been rendered useless as a proof of identity for its owner because it does not bear the holder’s signature,” ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ay isa sa may-akda ng Republic Act (RA) 11055 o ang PhilSys, anim na taon na simula ng maisabatas ito pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihintay ng kanilang ID.

Bagaman may multa ang mga hindi kikilalanin ang national ID, ipinunto nito na ang simpleng sagabal sa missing na lagda ‘di tulad ng iba pang mga valid IDs gaya ng passports, driver’s license at iba pa ang sanhi kung bakit nawawalan ng silbi ang PhilSys ID.

Sa ilalim ng RA 11055  na naisabatas noong Agosto 8, 2018 ang PhilSys national ID ay magsisilbing valid identification na maaring gamitin sa transaksiyon sa negosyo sa gobyerno at ma­ging sa pribadong sektor.

Bunga nito, hihingan niya ng paliwanag ang mga opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa kakulangan ng lagda at 12 digit permanent identification numbers mula sa nasabing ID.

vuukle comment

NATIONAL ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with