4 sa10 Pinoy, asang gaganda ekonomiya
MANILA, Philippines — Umaasa ang apat sa 10 Pinoy o 40 percent na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong December 8-12, 2023.
Sa survey, nasa 44 percent naman ang naniniwalang walang pagbabago at 10 percent ay nagsabing lalung lalala ang ekonomiya ng bansa.
“Very High “ naman o nasa +30 ang net optimism score ng mga Pinoy noong December 2023, na mas mababa sa “very high” o +35 na naitala ng SWS noong September 2023.
Ayon sa SWS, ang net optimism score ay bumagsak sa very high +30 mula sa excellent +41 sa Luzon areas sa labas ng Metro Manila at sa very high +32 mula excellent na +41 sa Mindanao.
Gayunman, naging very high o +36 mula fair +16 sa MM at high o +25 mula sa fair o +15 sa Visayas.
Sa nagdaang SWS survey ay nagpakita rin na ang mga Pinoy na umaasa na magkakaroon ng magandang buhay sa sunod na 12 buwan ay bumagsak sa 44% noong December 2023 mula sa 48% noong September 2023.
- Latest