Mas maraming benepisyaryo ng educ service contracting ‘di mahihirap - Gatchalian
MANILA, Philippines — ni Senator Win Gatchalian na “hindi makatarungan” ang paglalaan ng slots para sa mga benepisyaryo ng Educational Service Contracting (ESC) na karamihan ay mula sa non-poor households.
Sinuri ng tanggapan ng senador ang datos mula sa Annual Poverty Indicators Survey (APIS) 2020 and 2022 at natuklasang para sa School Year 2020-2021, 68% ng mga ESC recipients ay galing sa mga non-poor households o iyong mga pamilyang ang kabuuang kita ay lagpas o katumbas ng per capita threshold.
Para sa School Year 2019-2020, 59% ay galing din sa mga non-poor households.
Ang ESC ay isang partnership program ng Department of Education (DepEd) na layong solusyunan ang congestion o bawasan ang siksikan sa mga public junior high school.
Sa ilalim ng programa, babayaran ng gobyerno ang matrikula at ibang bayarin ng mga mag-aaral na mapipiling benepisyaryo mula sa mga pampublikong paaralan upang pumasok sa mga pribadong paaralang kinontrata ng DepEd.
Batay sa pagsusuri ng tanggapan ng senador, maaaring umaabot na sa P8.6 bilyon ang leakage mula sa ESC program o iyong pondong napunta sa mga hindi mahihirap.
- Latest