^

Bansa

Marcos nabahala sa presensiya ng China warship sa West Philippine Sea

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos nabahala sa presensiya ng China warship sa West Philippine Sea
President Ferdinand Marcos Jr. inspects the Airport to New Clark City Access Road (ANAR) on February 21, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa presenya ng warship ng China sa West Philippine Sea (WPS) at maging sa interference sa electronic communications ng Philipine Navy (PN).

“Yeah, it’s worrisome because there are two elements to that. One is that, dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw doon sa area natin, ngayon may Navy na, sumama pa ang mga fishing boat so nagbabago ang sitwasyon”, ayon pa sa pangulo sa isang ambush interview bago tumulong patungong Canberra, Australia kahapon.

Bagamat nababahala, nilinaw naman ng presidente na patuloy na dinidipensahan ng Pilipinas ang maritime territory nito.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo dahil sa ulat na may presensya ng warship ng China Navy sa WPS gayundin ang interference sa electronic communications capabilities sa Philippine vessel.

Iginiit din ni pangulong Marcos, na patuloy na susuportahan at tutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda doon at hayaan silang mangisda sa WPS sa tradisyunal na pamamaraan.

Matatandaan na sa ulat ng PN, karaniwang nangyayari ang interference tuwing may ginagawang rotation at resupply mission ang mga barko ng Pilpinas  sa WPS.

“So that’s the basic principle there, the fishers must be allowed to fish in their traditional fishing grounds which belong in the maritime territory of the Philippines,” ayon pa sa Pangulo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with