^

Bansa

Deliberasyon sa Cha-cha gumulong na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gumulong na sa plenaryo ng Kamara nitong Lunes ang deliberasyon sa Resolution of Both Houses (RBH) 7 o ang pag-aam­yenda sa economic provision ng 1987 Konstitusyon.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ekonomiya at hindi pulitika ang misyon ng Cha-cha ng Kamara.

“Ito lamang ang pakay natin. Ekonomiya, hindi pulitika,” pahayag ni Romualdez sa tinatalakay na sa RBH 7 na kapareho sa bersiyon ng Senado sa RBH 6.

“Malinaw po sa ating lahat ang misyon natin ngayon. Baguhin ang ilang economic provisions na pumipigil sa pagpasok ng mga negosyo mula sa ibang bansa. Mga negosyong lilikha ng trabaho at magpapasigla ng ating ekonomiya,” ani Romualdez.

Binigyang diin ni Romualdez na ia-adopt ng Kamara ang panukalang amyenda ng Senado sa probisyon sa ekonomiya sa ilalim ng RBH 6 “in toto” ng Senado upang burahin ang mga espekulasyon na ang Cha-cha ay may motibong pulitika.

Ang RBH 6 ay inihain nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Pro Tempore Loren Legarda at Sen. Sonny Angara matapos na mapagkasunduan  noong Enero na ang Senado ang mangunguna sa deliberasyon sa Cha-cha  basta’t isantabi na ang people’s initiative.

Kabilang sa target am­yendahan ang Articles XII, XIV at XVI ng 1987 Konstitusyon para pumasok ang Foreign Direct Investments (FDI) at lumikha ng trabaho para sa libu-libong mga Pilipino.

vuukle comment

CHA-CHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with