^

Bansa

Ibalik ang focus sa ­Agricultural High Schools

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ibalik ang focus sa ­Agricultural High Schools
Senator Francis Tolentino on January 16, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines —  Hinimok ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang sektor ng edukasyon na ibalik ang pagtutok sa mga paaralang pang-agrikultura upang maisama ang mga kabataan sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura, pangisdaan, at aquaculture.

Sa kanyang regular na programa sa DZRH, nakipag-usap si Senator Tolentino kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Asis Perez upang bigyang-diin ang kahalagahan ng muling pagtutok sa agricultural high schools sa Pilipinas.

“Sa education sector, ang isang dapat mabigyan ng pansin dito ay ang agricultural high schools kasi noong araw, napakaraming agricultural high schools,” ani Tolentino.

Sinabi ng senador na kung maibabalik ang focus sa agricultural high schools, pagsapit ng kolehiyo ng mga mag-aaral at magkakaroon ng interes ang kabataan na mag-aral ng agrikultura.

“Ang nakikita kong missing link ay ang partisipasyon ng mga unibersidad— mga knowledge institutions. Sa fisheries, agricultural schools, maging research, dapat kasama na ang lahat ng mga estudyante. Kung hindi, magkakaroon ng disconnect,” sabi ni Sen. Tol.

Sinang-ayunan ni Usec. Perez ang suhestyong ito ni Sen. Tolentino sa pagsasabing “Hindi lang po agriculture kundi pati fisheries at aquaculture dahil iyon ang source ng ating ulam. Ito po iyong ipu-pursue natin.”

vuukle comment

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with