Philippine team, wagi sa ‘2024 Asia Youth Basketball Championship’
MANILA, Philippines — Nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ang U11 City Hoops Philippines matapos mag-uwi ng silver medals sa katatapos na “2024 Asia Youth Basketball Championship” na inorganisa ng Korea Basketball Association at Chungju Basketball Association.
Ang basketball team na U11 City Hoops Philippines ay tinanghal na “second place” sa nasabing basketball championship mula sa 16 teams, na nagtapos sa 5-1 (win loss) makaraang mabigo sa finals laban sa JBY Korea sa 32-24 score.
Ginanap ang Asia Youth Basketball Championship nitong Pebrero 16 at 18, 2024 sa Chungju Gymnasium sa South Korea at kabilang sa mga participating countries ay ang Korea, China, Japan, Philippines, Taiwan, Singapore, Hong Kong, Thailand.
Nabatid na natalo ng City Hoops Philippines ang JBY Korea sa preliminary round, 40-38, ang JKJ Korea Red Boosters, 41-14; habang nanalo rin sila dahil sa disqualification laban sa Ankeng Elem School ng Taiwan.
Nagwagi rin ang Phl team laban sa Thailand sa quarterfinals, 45-20.
Ang U11 CityHoops Philippines ang nag-iisang Filipino team na nakapasok sa finals kung saan ang ibang Pinoy teams ay nabigo sa kani-kanilang age groups.
Ang mga miyembro ng nasabing team na inisposoran ng Cafe Aurora Ph, PLDT, SeaBird International Resort Boracay, Anta Kids and KISS sports Aparell ay sina Kyrie Race, LSGH; Sancho Sison, LSGH; Massey David, Xavier Nuvali; Simon Padilla, LSGH; Karl Gandionco, Ateneo; Manolo Pasion, Ateneo; Clyne Magpantay,FEU Diliman; Pierce Ibuyan, Ateneo; Xian Latay, Ateneo; at Hubert Bautista ng Lourdes Novaliches.
Sa hinaharap, magiging exclusive partner ng CityHoops Philippines ang Asia Youth Basketball Championship kung saan layunin ng league na magpadala pa ng mas maraming players sa South Korea upang mag-participate sa annual event.
- Latest