^

Bansa

Pangulong Marcos lalagdaan na cash incentives ng seniors na edad 80, 85, 90

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos lalagdaan na cash incentives ng seniors na edad 80, 85, 90
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. leads the sectoral meeting at the Malacañang Palace on October 24, 2023.
PPA Pool photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bukas ang panukalang magbibigay ng cash incentive sa mga senior citizen na aabot sa edad na 80 at 90 taong gulang.

Ang Senate Bill no. 2028 at House Bill No. 7535 o ang “Granting Benefits to the Filipino Octogenarians at Nonagenarians” ay lalagdaan bukas, Pebrero 26, dakong alas-9 ng umaga sa Malacañang.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng P10,000 cash gift ang mga senior citizens na aabot sa 80, 85, 90 at 95 taong gulang, habang ang aabot naman sa edad na 100 ay mabibigyan ng P100,000.

Layon din nito na mabigyan na ng cash benefits ang mga senior citizens at mapakinabangan na nila ito habang maaga pa.

Bukod sa nasabing batas, lalagdaan din ni Pangulong Marcos ang Senate bill No. 2221 at House Bill No. 7325  o ang Magna Carta of Filipino Seafarers”, gayundin ang Senate Bill No. 2426 at House Bill No. 8525 o “Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.

vuukle comment

CASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with