^

Bansa

Pangulong Marcos biyaheng Australia

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australia sa Pebrero 28-29 para magsalita sa mga mi­yembro ng parliament.

Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), pag-uusapan sa pulong ang vision para sa Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Sa nasabing partnership ay magpagtitibay ang bilateral relations mula sa Comprehensive partnership noong 2015, na nilagdaang lang noong Setyembre 2023 sa pagbisita ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa bansa.

Makikipagpulong din ang Pangulo sa Australian senior officials para talakayin ang defense at security, trade, investments, multilateral cooperation, regional issues at people-to people exhanges.

Ngayong Nobyembre, ay gugunitain ng Pilipinas at Australia ang 78th anibersaryo ng kanilang diplomatic relations.

Umabot na sa 408,000 Filipino ang nasa Australia noong 2022 at nasa ikalimang puwesto na may pinakamalaking migrant community sa nasabing bansa.

Ang Australia rin ang isa sa dalawang bansa ang may Status of Visiting Forces Agreement (SOFVA) sa Pilipinas.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with