Wage hike iraratsada na sa Kamara
MANILA, Philippines — Matapos ipasa na ng Senado ang P100 minimum na taas-sahod kada araw ng mga manggagawa, tatalakayin na ng Kamara ang panukalang batas na magkaroon ng umento sa suweldo.
Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na matagal na nabinbin sa Kamara ang siyam na panukalang batas para sa umento sa sahod ng mga manggagawa. Inaasahang sisimulan ang pagtalakay sa naturang mga panukala sa Miyerkules, Pebrero 28.
Ayon kay Brosas, nakapasa na sa Senado ang P100 minimum wage at ang bersiyon ng Kamara na lamang ang hinihintay.
Samantala, nanawagan naman si Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) President at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa mga kasamahang mambabatas na ipasa na sa lalong madaling panahon ang iniakda nitong House Bill No. 7871 o ang Wage Recovery Act of 2023 na layong ipatupad ang across-the-board wage increase sa P150 kada araw para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
“We laud the marching orders of Speaker Ferdinand Martin Romualdez for the House Committee on Labor and Employment to urgently and vigorously conduct public hearings as soon as possible to hear all sectors and deliberate on the much-needed increase in the take-home pay of our workers,” saad ni Mendoza.
- Latest