^

Bansa

Giit ng Senador: Maliit na negosyante 'kakayanin' ang P100 wage hike

James Relativo - Philstar.com
Giit ng Senador: Maliit na negosyante 'kakayanin' ang P100 wage hike
Workers push a trolley loaded with imported onions for delivery to stores in the Divisoria district of Manila on January 26, 2023. The Philippines’ economic growth beat expectations last year, fuelled by strong consumer spending despite rising consumer prices, officials said on January 26.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nanindigan ang isang mambabatas na hindi basta-basta malulugi ang mga negosyo sa panukala nilang umento sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa — sapat daw kasi ang kanilang kinikita sa ngayon.

Lunes lang nang kasi pumasa sa ikatlo at huling ang Senate Bill 2534 na layong dagdagan ng P100 ang arawang minimum na sahod ng mga manggagawa.

Gayunpaman, pinalagan ito ng ilang grupo gaya ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa dahilang tatamaan daw nito ang small, medium and micro enterprises (SMME) — bukod pa sa posibilidad na maapabili nito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

"Tiningnan din ng Senado ang kita ng SME kasama na ang malalaking enterprises pero dahil bumaba nga 'yung corporate income tax sa CREATE Law... from 30% to 20% kaya lumaki 'yung kanilang kita," ani Sen. Sherwin Gatchalian sa TeleRadyo Serbisyo ngayong Huwebes.

"Pumapalo ng around 12% yung kanilang gross profit dahil sa pagbaba ng income tax kaya sa aming computation dahil P100 lang ang idagdag, marami sa ating small and medium enterprises ay kaya nilang mag-absorb itong ganitong pagtaas ng [sahod]."

Aniya, bumoto ang senador sa panukala dahil sa ibinaba ang umento sa sahod sa P100, bagay na P150 pa nga raw noon. Kasalukuyang naglalaro sa P573.00 hanggang P610.00 ang minimum wage sa Metro Manila at malayong-malayo sa living wage na P1,100.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nasa 8 milyong manggagawa ang makikinabang sa pagtataas ng minimum na pasahod. Sa kabila nito, posible aniya magkaroon ng "wage distortion" kung sakaling tuluyan itong maisabatas.

Ayon sa Article 124 ng Labor Code, tumutukoy ang wage distortion sa labis na pagliit o pagkawala ng diperensya sa sahod sa pagitan ng mga empleyadong mas mataas at mas malaki ang kinikita. Kalimitan itong mangyari tuwing minimum wage lang ang itinataas.

Una nang sinabi ng IBON Foundation at  Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) na maiiwasan ang wage distortion kung isasabay sa pagtaas ng sahod pati ang mga non-minimum wage earners sa pamamagitan ng "across-the-board" wage hikes.

"Sa Senate version walang ganung probisyon, pero magba-bicam pa 'yan at pwedeng pag-usapan doon na gawin na lang staggered [ang pagtaas ng sahod," dagdag pa ni Gatachalian.

"Talagang malapit ito sa sikmura ng taumbayan kaya ito ang inuna ng Senado para maramdaman agad ng ating kababayan."

Una nang sinalubong nang positibo ng ilang grupong manggawa gaya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang SB 2534, kahit na malayo ito sa mungkahi nilang P750/araw na umento sa sahod. Aniya, malaking tulong na rin ito ngunit kulang pa rin.

P100 wage hike 7% lang ng kita ng SMMEs

Ayon kay Sonny Africa, executive director ng economic think tank na IBON Foundation, hindi dapat katakutan ang pagkalugi ng mga kumpanya at diumano'y "inflation" kaugnay ng dagdag na sahod.

"IBON estimates that even a Php100 across-the-board (ATB) wage hike – meaning not just for minimum wage earners – is equivalent to just a tiny 7.1% of private establishment profits," paliwanag ni Africa nitong Martes.

"The impact on profits is only slightly more in micro, small and medium enterprises (MSMEs) than in large enterprises. The Php100 ATB hike is equivalent to just 7.5% of MSME profits – 7.9% in micro, 7.6% in small and 6.7% in medium size firms – and to just 6.7% of large establishment profits."

Dahil dito, kayang-kaya aniya ng emplpoyers na maibigay ang wage hike nang hindi ipinapasa ang matataas na bayarin para sa mga produkto at serbisyo.

Bagama't 98.6% aniya ang MSME's sa mga establisyamento sa Pilipinas, karamihan pa rin aniya ng mga empleyado ay nagtratrabaho sa malalaking firms (54.4%).

Dagdag pa nila, tumaas pa raw ng 28% ang kita ng lahat ng establishments patungong P2.5 trilyon sa pagitan ng 2020 at 2021 sa gitna ng pandemya. Sa kabila nito, halos hindi aniya gumalaw ang average minimum wage sa lahat ng rehiyon.

Taong 1989 pa nang huling magpatupad ng pagtataas ng sahod sa pamamagitan ng isang batas. Matapos nito, 367 wage orders na raw ang nailabas matapos i-regionalize ang mga sahod. Sa kabila nito, lumalabas na mas mababa pa raw ang "real value" ng minimum wage sa 16 sa 17 rehiyon kung ikukumpara noong 35 taon na ang nakalilipas.

vuukle comment

BUSINESSES

IBON FOUNDATION

LABOR RIGHTS

SHERWIN GATCHALIAN

WAGE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with