^

Bansa

DepEd inanunsiyo mas maagang bakasyon sa eskwelahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DepEd inanunsiyo mas maagang bakasyon sa eskwelahan
Students from Araullo High School in Manila are seen walking along the school grounds on February 21, 2024.
STAR/Edd Gumban

Klase magtatapos sa Mayo 31

MANILA, Philippines — Itinakda ng Department of Education (DepEd) ng mas maaga ang pagtatapos ng kasalukuyang school year bilang paghahanda sa unti-unting pagbabalik sa lumang school calendar, kung saan ang summer vacation ay isinasagawa tuwing buwan ng Abril at Mayo.

Base sa Department Order 003 na may petsang Pebrero 19, 2024, at nilagdaan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, ang end-of-school year (EOSY) para sa School Year 2023-2024 ay sa Mayo 31, 2024 na.

Anito pa, ang School Awards Committee ay dapat na magsagawa na ng deliberasyon sa mga parangal at rekognisyon na ipagkakaloob sa mga estudyante, nang hindi lalampas sa tatlong calendar days bago ang EOSY rites para sa mga mag-aaral na tatanggap ng recognition at awards at mga mag-aaral na kandidato para sa graduation o pagtatapos.

Itinakda rin ng DepEd ang EOSY break mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26, 2024.

Ayon sa DepEd, ang quarterly examination naman ay dapat na isagawa sa Marso 25-26, 2024, para sa Academic Quarter 3 at Mayo 16 at 17, 2024 naman para sa Academic Quarter 4.

Ang EOSY rites ay idaraos mula Mayo 29-31, 2024.

Gayunman, sa ilalim ng exceptional circumstances, ang mga paaralan ay maaari umanong magdaos ng EOSY rites sa Hunyo 1, 2024, ngunit matapos lamang ang konsultasyon sa mga guro at mga magulang.

Samantala, ang SY 2024-2025 ay nakatakdang magsimula sa Hulyo 29, 2024 at magtatapos sa Mayo 16, 2025, habang ang Brigada Eskwela ay mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 27, 2024.

Una nang sinabi ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa na maaaring abutin ng hanggang tatlong taon bago maibalik sa Abril at Mayo ang summer vacation ng mga mag-aaral, na matatandaang nabago bunsod na rin nang pananalasa ng COVID-19 pandemic.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with