Mga pribadong institusyon nagbabala vs ‘full foreign ownership’ sa edukasyon
MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng pinakamalaking organisasyon ng mga pribadong institusyong pang-edukasyon sa bansa ang mga mambabatas kaugnay sa pagbubukas ng edukasyon sa “full ownership” sa mga dayuhan.
Sa pagdinig ng Senado, binigyang-diin ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) ang pangangailangang pangalagaan ang kultura at interes ng mga Pilipino sa gitna ng mga talakayan sa pag-amyenda sa 1987 Constitution, partikular ang probisyon na may kinalaman sa pagmamay-ari ng mga institusyong pang-edukasyon.
“We respectfully urge lawmakers to proceed with caution regarding introducing amendments to the pertinent provisions because this will have a long-standing complicated repercussions or implications to the Filipino generations to come,” ani COCOPEA president Fr. Albert Delvo sa Senate subcommittee na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara.
Ang subcommittee ay inatasang mag-deliberate sa Resolution of Both Houses No. 6, na naglalayong amyendahan ang tatlong partikular na probisyon sa ekonomiya sa 1987 Constitution na may kaugnayan sa mga serbisyong pampubliko, institusyong pang-edukasyon, at advertising.
Binigyang-diin ni Delvo ang pag-aalala ng mga miyembro ng COCOPEA tungkol sa mga potensyal na panganib ng pagpapahintulot ng full foreign ownership sa mga educational institutions.
“We are cautious because if we allow foreigners to control, own, and administer the institutions, it may be prejudicial to our Filipino culture, values, morals, spiritual matters. Baka they may be in danger,” babala ni Delvo.
Sa kabila ng mga pangamba na ito, sinabi ni Delvo na ang ilang mga institusyon na kasalukuyang tumatakbo sa ilalim ng 60-40 na may dayuhang pagmamay-ari ay maayos ang setup.
- Latest