^

Bansa

56% ng Pinoy pabor papasukin ang ICC para sa 'drug war' investigation — SWS

James Relativo - Philstar.com
56% ng Pinoy pabor papasukin ang ICC para sa 'drug war' investigation — SWS
A relative of a victim of an extra-judicial killing attends a memorial mass ahead of All Soul's Day to remember loved ones slain in the government's war on drugs, at the Commission on Human Rights in Manila on October 29, 2021.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Lumobo ang porsyento ng mga Pilipinong naniniwalang dapat payagan ng gobyerno ang pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa madugong "war on drugs" sa Pilipinas, lalo na noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinalita ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Martes kaugnay ng isang survey na ikinasa mula ika-8 hanggang ika-11 ng Disyembre 2023.

Narito isinagot ng 1,200 katao matapos lapagan ng sumusunod na tanong: "Kayo po ba ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon na dapat pahintulutan ng gobyerno ang ginagawang imbestigasyon ng... ICC ukol sa mga patayang may kaugnayan laban sa illegal na droga noong panahon ng administrasyon ni dating Pang. Rodrigo Duterte?"

  • sang-ayon: 56%
  • hindi makapagdesisyon: 25%
  • hindi sang-ayon: 19%

"This was an improvement from the moderate +28 (48% agree, 21% disagree, correctly rounded) net agreement score in March 2023," wika ng SWS.

Nakukuha ang net agreement score sa pag-awas ng porsyento ng mga pabor sa hindi pabor dito.

Una nang sinabi ni Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi sila makikipagtulungan sa ICC kaugnay ng imbestigasyon sa dahilang pagtapak daw ito sa soberanya ng Pilipinas, lalo na't kaya naman daw maglitis ng mga lokal na korte.

Kasalukuyang pinaiimbestigahan ng ICC ang aniya'y "crimes against humanity" kaugnay ng mahigit 6,000 hanggang 30,000 namatay sa Pilipinas kaugnay ng drug war, bagay na tinutukan nang husto ni Duterte.

Ang problema, marami aniya sa mga suspek ang pinatay kahit walang sala o hindi kaya'y hindi isinailalim sa due process ng batas.

Dagdag pa ng pag-aaral, marami rin sa mga Pinoy ang pabor sa mismong ideya ng ICC investigation:

  • sang-ayon: 53%
  • hindi makapagdesisyon: 26%
  • hindi sang-ayon: 20%

Kaalaman sa ICC probe tumaas sa buong bansa

Dagdag pa ng SWS, lumalabas na 14% ng mga Pilipino ang may "extensive knowledge" sa imbestigasyon ng ICC sa diumano'y mga pagpatay at human rights violations kaugnay ng Philippine drug war.

"30% had partial but sufficient knowledge, 35% had only a little, and 22% had almost no or no knowledge of the ICC investigation," wika pa ng survey firm.

"Compared to March 2023, the percentage of those who had extensive knowledge of the ICC investigation rose from 10%, while those with partial but sufficient knowledge rose from 24%."

Bumaba rin ang mga nagsasabing "kakaonti" lang ang alam nila rito mula sa dating 37%. Bumaba rin ang mga nagsasabing halos wala o wala silang alam dito, mula sa dating 30%.

Wika pa ng SWS, tumaas din ang kaalaman ng mga Pilipino sa ICC investigation sa lahat ng panig ng Pilipinas:

  • Metro Manila: 56%
  • Luzon: 42%
  • Visayas: 51%
  • Mindanao: 33%

Sinasabing tig-300 respondents ang kinuha ng SWS mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Pare-[areho aniyang sumailalim sa face-to-face interview ang mga nabanggit.

Paglilinaw ng SWS, hindi kinomisyon ninuman ang survey items at bahagi aniya ng kanilang inisyatiba bilang serbisyo publiko.

Lumabas ang naturang survey ilang araw matapos isapubliko ang hiwalay na pag-aaral ng OCTA Research, bagay na nakakuha ng kahalintulad na resulta.

vuukle comment

HUMAN RIGHTS

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

RODRIGO DUTERTE

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with