^

Bansa

Isyu ng kudeta sa Senado galing sa Kamara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Isyu ng kudeta sa Senado galing sa Kamara
Itinanggi naman ng mayorya ng mga senador na alam nila ang sinasabing kudeta.
STAR / File

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senator JV Ejercito na posibleng galing sa House of Representatives ang biglang paglutang ng isyu na magkakaroon ng kudeta sa liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri upang mahati ang Senado.

Hinala rin ni Ejercito na may kinalaman sa kontrobersiyal na people’s initiative ang isyu nang diumano’y pagpapalit ng liderato ng Senado.

“Divide and conquer strategy siguro galing sa HOR (House of Representatives) dahil sa PI,” ani Ejercito.

Itinanggi naman ng mayorya ng mga senador na alam nila ang sinasabing kudeta.

Sinabi ni Senator Grace Poe na hindi totoo ang tsismis at naniniwala pa rin sila sa liderato ni Zubiri.

“Absolutely untrue. We trust the leadership of Sen Zubiri,” ani Poe.

Idinagdag ni Ejercito na sa ngayon ay mahirap palitan si Zubiri at wala silang nakikitang posibleng pumalit sa kanyang posisyon.

Sinabi naman ni Sen. Jinggoy Estrada na wala siyang alam sa sinasabing resolusyon tungkol sa pagpapalit ng liderato.

vuukle comment

HOUSE OF REPRESENTATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with