Malacañang nangako ng tulong sa magsasakang apektado ng El Niño
MANILA, Philippines — Nagbigay ng katiyakan ang Malacañang na tutulungan ang libu-libong magsasaka sa Kanlurang Visayas, Zamboanga Peninsula, at iba pang rehiyong apektado ng El Niño.
Sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama na halos 4,000 magsasaka ang apektado ng tagtuyot sa mga rehiyong ito.
Ayon sa Task Force El Niño, ang gobyerno ay nagbibigay sa mga magsasaka ng heat-tolerant na binhi, mga alagang hayop at tulong pinansyal.
Bukod sa mga direktang interbensyon para sa kanila, nire-rehabilitate rin ang mga irrigation canals at ang kanilang mga kagamitan para lalo pang matulungan ang mga lubhang naapektuhang mga magsasaka.
Nauna rito, nagbabala ang PAGASA na mas titindi pa ang init ng panahon sa susunod na buwan dahil pumasok na ang kasagsagan ng El Niño.
Sa forecast, maaaring pumalo sa 36.5 degrees celsius ang pinakamataas na temperatura ngayong darating na Marso.
Sinabi ng weather bureau na ngayong 2024 ay posibleng maranasan ang pinakamainit na taon lalo na’t sasabayan ng dry season ang El Niño.
- Latest