Bong Go umayuda sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro
MANILA, Philippines — Patuloy na tinutulungan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga biktima ng kalamidad sa Davao region matapos niyang ipadala ang kanyang Malasakit Team upang magbigay ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide sa Masara, partikular sa mga nasa Maco, Davao de Oro.
Binisita ng Malasakit Team ni Go ang mga tahanan ng 18 indibidwal at binigyan sila ng tulong pinansyal at grocery packs, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ang mga pagsisikap na ito ng senador ay binibigyang-diin ang multifaceted na diskarte sa pagtugon sa sakuna.
“Kahit anumang problema ang inyong hinaharap—sunog, lindol, baha, pagputok ng bulkan o kahit anong klaseng krisis—handa kaming tumulong at magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Huwag kayo mawawalan ng pag-asa dahil hindi namin kayo pababayaan at palagi kaming nagmamalasakit sa inyo,” sabi ni Go.
Itinataguyod ni Sen. Go ang mga legislative measure upang palakasin ang paghahanda at katatagan ng bansa sa kalamidad.
Nangunguna sa kanyang adbokasiya ang Senate Bill No. 188 na nagmumungkahi ng paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR). Ang mungkahing Department of Disaster Resilience ay naglalayon isentralisa ang pagtugon sa kalamidad at mga pagsusumikap sa katatagan, pagpapaunlad ng mas maayos at mahusay na diskarte sa pamamahala sa natural disasters.
- Latest