^

Bansa

Donasyon sa ‘Edsa-Pwera’ ad, isinoli ng PIRMA convenor

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinoli ng People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) sa kanilang mga donors ang nakalap na perang donasyon sa inilabas na TV ad na “Edsa-Puwera” na aabot sa P55 milyon.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos, inamin ni PIRMA convenor Noel Oñate na isinauli niya sa mga donor ang perang ibinigay nila para sa “Edsa-Pwera” ad.

Ayon kay Oñate, ayaw ng mga donors na maisapubliko ang kanilang mga pangalan dahil nababahala sila para sa kanilang privacy at seguridad.

Si Oñate ay naunang inatasan ng komite ng magsumite ng listahan ng mga donors na nag-contribute ng pondo para sa TV ad na simulang umere noong Enero 2 at tumagal ng dalawang araw.

“I had all intention of fulfilling what I said... I think I told you that we will submit the list of the donors with my lawyers... but they [donors] didn’t want to reveal their names... they did not want their names divulged or revealed,” sabi ni Onate sa komite.

Duda naman si Marcos sa pahayag ni Oñate tungkol sa pag-aalala ng mga donors sa kanilang segurdad.

“There is no issue of security or privacy, I think it is a matter of pride as a committed citizen you are advocating constitutional change. It should be an activity you take pride and honor in,” sabi ni Marcos.

Paliwanag naman ni Atty. Alex Avisado, legal counsel ni Oñate, tumanggi ang mga donors na isapubliko ang kanilang mga pangalan kaya napilitan ang kanyang kliyente na ibalik ang  ang kalahati sa P55 milyon na kontribusyon ng mga ito para sa TV ad.

Ayon kay Oñate, mahi­git P28 milyon ang kanyang isinauli sa mga kaibigang donors mula sa kanyang tatlong bank account.

Samantala, lumabas din sa pagdinig na halos dalawang dekada na umanong hindi nag-e-exist ang PIRMA. Pero ayon sa mga PIRMA lawyers, may pending applications na ang grupo upang ma-revive ang registration na nakabinbin sa Securities and Exchange Commission.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with