Sunud-sunod na pabahay, itatayo ng NHA

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang National Hou­sing Authority (NHA) sa Bagong Pilipinas ng administrasyong Marcos sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagpapatupad ng mga programang pabahay at emergency housing assistance para sa unang kwarter ng 2024.

Bilang pagtalima sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang serbisyo publiko, pangungunahan ni NHA General Manager Joeben Tai ang sunud-sunod na pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Negros Occidental mula Pebrero 13-16, gayundin sa mga pamil­yang taga-Antique at Aklan sa Pebrero -17.

Sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP), 482 pamilyang taga-Visayas ang nakatakdang tumang­gap ng tulong pinansyal mula sa ahensya ngayong Pebrero upang matulungan silang makabangon matapos ang kalamidad na tumama sa kanilang mga komunidad.

Ang NHA West Sector Office ay mamamahagi rin sa 266 pamilya ng tig-P20,000, habang 91 benepisyaryo naman mula sa Mandaluyong ang mabibiyayaan ng P10,000.

Show comments