Bilang ng mga Pinoy na positibo na bubuti ang buhay nabawasan
MANILA, Philippines — Bumaba sa 44% ang bilang ng mga Pinoy na umaasang gaganda ang kalidad ng buhay ngayong taon, ayon sa latest Social Weather Stations (SWS) survey.
Ang naturang percentage ay mas mababa sa 48% Pinoy na umasa na gaganda ang buhay sa survey noong September 2023.
Sa survey na isinagawa noong December 8-11, 2023, lumabas din na may 44% Pinoy ay nagsabing ang klase ng kanilang buhay ay pareho rin o walang ipinagbago at 5% ang nagsabing lumubha ang buhay at 7% ang hindi nagbigay ng kanilang sagot.
Nagresulta ito ng net personal optimism score na +39 o “excellent.”
Nabawasan ang mga optimistiko sa Balanced Luzon at Visayas, samantalang tumaas sa Metro Manila at walang pagbabago sa Mindanao.
- Latest