^

Bansa

Solar power irrigation inihahanda vs El Niño

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Solar power irrigation inihahanda vs El Niño
This is a picture of solar panels.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa epekto ng El Niño at para tumaas produksyon ng mga magsasaka, isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggamit ng solar power irrigation sa bansa.

Sa ginanap na ceremonial at palay harvesting at distribusyon ng ayuda sa mga magsasagawa sa Candaba, Pampanga, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ang kanilang napag-usapan matapos ang pagbisita sa Viet­nam ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sinabi pa ng Presidente na sa pamamagitan ng solar irrigation project ay mapapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka dahil sa isang unit ng solar power irrigation ay kaya nitong makapagpatubig ng may 20 ektarya ng lupain.

“Ngayong taon, palalawakin din natin ang patubig para sa mga sakahan sa pamamagitan ng Philippine, ito ‘yung sinasabi ko, Philippine Solar- irrigation Project na mga Small-scale Irrigation Projects upang mapataas ang produksyon at kita ng ating mga magsasaka, “ ayon pa sa Pangulo.

Nangako rin si Marcos na hindi pababayaan ang mga magsasaka  sa pamamagitan ng paglaan ng P31 bilyon sa ilalim ng National Rice Program para sa taong 2024 para pag-ibayuhin ang mga programa tulad ng mga production support, extension services, research at development at irrigation network services.

Inaasahan na tatagal ang El Niño sa bansa hanggang Hunyo ngayong taon.

vuukle comment

EL NIñO

SOLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with