Dagdag MC Taxis pinalagan ng UV Express group
MANILA, Philippines — Pinalagan ng National Federation of UV Express Inc. ang gagawing pagdaragdag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pitong bagong players ng Motorcycle( MC) Taxi sa bansa.
Sinabi ni Alpha Martinez, national president ng naturang grupo, mayroon nang existing MC taxi players tulad ng Move It ng Grab, Angkas, JoyRide at iba pa pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang pilot study dito ng LTFRB, Technical Working Group at DOTr hinggil sa mga polisiya sa MC Taxi.
Binigyang diin ni Martinez na limang taon nang tumatakbo ang kasalukuyang MC taxi players pero wala pang mandate ang mga nabanggit hinggil dito.
Ayon kay Martinez, kung dadagdagan pa ng LTFRB ang MC taxi players ay mababawasan pa ng doble ang kanilang kita.
Sinabi ni Atty. Boddie Pulido, legal counsel ng grupo na dapat ay huwag munang gumalaw ang TWG, ‘wag munang mag-expand ng bilang at tapusin muna ang pilot study sa MC Taxi upang matiyak kung may safe standards dito, may tamang polisiya, legalidad at malaman ang economic impact nito sa mga pampasaherong sasakyan.
Dapat din anyang may kaukulang batas ang Kongreso para sa MC taxi para sa legalidad ang naturang programa.
- Latest