'Hindi siya fake': Bikolana solong inuwi P571-M lotto jackpot
MANILA, Philippines — Kinubra ng nag-iisang mananaya ang multi-million jackpot matapos tamaan ang Ultra Lotto 6/58 bago pumasok ang Bagong Taon 2024 — ito habang idinidiing totoo ang mga papremyo.
Ika-29 ng Disyembre lang nang tamaan ng lone bettor mula Albay ang mahigit P571 milyong lotto jackpot matapos tamaan ang ang mga sumsusunod na numero: 19-35-25-42-58-05.
"Ang masasabi ko lang sa mga nagsasabi na hindi totoo ang mga nanalo sa Lotto ay nagkakamali po kayo," wika ng babae sa paskil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules.
"Kailangan niyo tumaya para malaman niyo na totoo ang lotto."
Kinuha agad ng babae ang kanyang lotto winnings kahapon, ika-2 ng Enero.
Pinaplano ng nanalong ilagay ang napalanunan sa kanyang ipon, habang bahagi naman nito ang mapupunta sa kawanggawa.
Bagama't apat na taon na raw siyang regular na naglalaro ng Scratch It games, sinasabing ito pa lang ang ikalawang beses na tumaya siya gamit ang lucky pick betting system.
Kanyang pag-amin, sinabi ng mananayang nae-enganyo siyang dahil sa napakalaking papremyo sa ilalim ng "Handog Pakabog."
Matatandaang itinaas ng PCSO ang minimum guaranteed jackpot para sa Ultra 6/58 at Grand Lotto 6/55 patungong P500 milyon noong ika-016 ng Disyembre kaugnay ng "Handog Pakabog."
Una nang sinabi ni PCSO general manager Melquiades Robles na pagpapakita ito ng PCSO ng pasasalamat sa lahat ng mananaya sa gitna ng Yuletide season.
Bagama't P571,554,916.40 ang jackpot prize, hindi ito makukuha nang buo ng winner lalo na't saklaw ito ng 20% tax alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
- Latest