^

Bansa

DOT naitala 5.4-M int'l tourist arrivals, nalagpasan 2023 target

James Relativo - Philstar.com
DOT naitala 5.4-M int'l tourist arrivals, nalagpasan 2023 target
This photo taken on December 12, 2023 shows tourists paddling their kayaks while others take photos inside the Big Lagoon in El Nido town, Palawan province.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nalampasan ng gobyerno ang target nitong international tourist arrivals noong nagdaang taon, bagay na nagpapakita diumano ng pagbawi ng sektor matapos ang COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Tourism.

Ito ang ibinahagi ng DOT sa kanilang 2023 yearend report na kanilang ipinaskil sa Facebook ngayong Martes.

"Tourists have started to return to our shores and destinations, as the Philippines saw more than 5.4 million international arrivals surpassing our country's set target for 2023 of 4.8 million," paliwanag ng kagawaran.

 

 

Ang 5,450,557 international visitor arrivals ay datos mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre ng taong nakaraan.

Kaugnay nito, nakapagtala naman ng P482.54 bilyon sa foreign visitor reciepts ang bansa noong 2023 — bagay na tumapat na sa record-high earnings pagdating sa pagbisita ng mga banyaga.

"The [DOT] announced that 2023 international visitor receipts have reached the tourism revenues recorded in 2019 of Php 282 million when... The Philippines reached an all time high in terms of foreign visitors arrivals," dagdag nila.

 

 

Matatandaang isa ang turismo sa pinaka-tinamaang sektor noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, lalo na't itinigil isinarado ng lockdowns ang international arrivals at karamihan ng mga establisyamento.

Isang buwan pa lang nang idiin ni House Minority Leader Marcelino Libanan na hindi dapat matapos sa pag-engganyo ng mga dayuhan ang turismo lalo na't mas gumagastos ang mga overseas Filipino workers tuwing umuuwi ng bansa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TOURISM

FOREIGNERS

REVENUES

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with