^

Bansa

Pangulong Marcos, nakipag-meet-and-greet sa OFWs na nakaligtas sa Israel-Hamas war

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, nakipag-meet-and-greet sa OFWs na nakaligtas sa Israel-Hamas war
Si Pacheco, isang tagapag-alaga sa Israel, ay na-hostage ng militanteng grupo ng 49 araw. Dumating siya sa Pilipinas noong Lunes, Disyembre 18.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng meet-and-greet sa Malacañang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na sina Jimmy Pacheco at Camille Jesalva na nakaligtas sa pag-atake ng grupong Hamas sa Israel noong Oktubre 7.

Si Pacheco, isang tagapag-alaga sa Israel, ay na-hostage ng militanteng grupo ng 49 araw. Dumating siya sa Pilipinas noong Lunes, Disyembre 18.

Isa siya sa dalawang Pinoy na nabihag ng Hamas noong Oktubre 7. Pinalaya si Pacheco noong Nobyembre 24.

Sa pulong sa Malacañang, ikinuwento ni Pacheco ang pag-atake, at kung paano napasok ang kanilang kibbutz ng grupo na bumaril sa kanyang Israeli ward hanggang sa mamatay.

Sinabi rin niya sa Pangulo ang tungkol sa kanyang mga pinagdaanang pagsubok habang bihag kasama ang iba pang mga Israelis, at kung paano sila lumipat mula sa isang tunnel patungo sa isa pa upang maiwasan ang mga tropang Israeli sa gitna ng matinding pambobomba.

Ayon kay Pacheco, nakaligtas siya sa pagkain ng kakaunting rasyon ng dates at tubig sa mahigit 40 araw niyang pagkabihag sa Gaza.

Samantala si Jesalva, 31, na tagapag-alaga mula sa Nueva Ecija, ay naging instant hero sa Israel, matapos maipahayag ang kanyang kuwento.

Hinangaan ng publiko ng Israeli ang kanyang tapang, dedikasyon at katapatan dahil tumanggi siyang iwan ang kanyang among si Nitza Hefetz, 95, sa panahon ng pagsalakay ng Hamas.

Siya at si Nitza ay naninirahan sa Nirim Kibbutz sa hangganan ng Gaza-Israel, na inatake ng Hamas noong Oktubre 7.

Ilang militante ang pumasok sa kanilang tahanan at ninakawan si Jesalva ng kanyang pera na babaunin niya sana para sa kanyang planong bakasyon sa Pilipinas.

Kalaunan ay nailigtas sila ng mga rumespondeng tropa mula sa Israel Defense Forces (IDF).

Sinabi ni Pangulong Marcos na natutuwa siyang makilala sina Pacheco at Jesalva at nakauwi sila nang ligtas.

vuukle comment

OFW

WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with