^

Bansa

Pamimigay ng OVP ng P10K, ‘fake news’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Office of the Vice President (OVP) sa kumakalat na social media posts ng “fake news” na pamimigay ng tanggapan ng P10,000 at grocery items.

“Babala. Ipinapaalam ng Office of the Vice President sa publiko na ang social media promo na ito ay panloloko o scam” nakasaad sa post ng OVP sa kanilang opisyal na Facebook page.

Ishinare rin ni Vice President Sara Duterte ang naturang post sa kaniyang sariling Facebook page.

“Hindi ito programa ni Vice President Sara Duterte o ng OVP. Kung kayo ay may impor­masyon hinggil dito, ipagbigay alam agad sa mga pulis,” ayon pa sa post ng OVP.

Hindi naman nilinaw ng OVP kung saan nagmula ang naturang post ng pamimigay ng pera at grocery items.

Nabatid na gumamit pa ang nag-post ng litrato ni Duterte na may deskripsyon kung paano sumali sa naturang pamumudmod ng pera.

“Groceries at 10k Cash Pamaskong Hatid ng Ating Vice President Inday Sarah Duterte. Magpalista na sa mga Link,” ayon sa fake news na post.

vuukle comment

FAKE NEWS

OVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with