Higit 800 ex-combatants inayudahan ng DSWD
MANILA, Philippines — May mahigit 800 ex-combatants ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang pagbabagong buhay.
Ito ay bahagi ng Moro National Liberation Front (MNLF) Transformation Program na pinagkasunduan ng pamahalaan at MNLF management committee para matulungan ang mga dating combatants sa kanilang pagbabagong buhay sa lipunan.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay ang distribusyon ng cash support package na isinagawa sa Parang, Maguindanao.
Una na ring nakinabang sa programang ito ang mga dating combatants sa Lamitan, Basilan at Marawi City.
- Latest