48% Pinoy tiwalang gaganda buhay sa 2024
MANILA, Philippines — Nasa 48 porsyento ng mga adult Pinoy ang kumpiyansang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS), nasa 40 porsyento naman ang nagsabi na hindi mababago ang estado ng kanilang buhay.
Nasa 6% naman ang naniniwala na mas lalong sasama ang lagay ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan habang 7% ang hindi tumugon sa survey.
Nasa +42 naman ang nagbigay ng net personal optimism score na nangangahulugan ng “excellent.”
Halos kapareho lamang ito sa excellent +41 score na isinagawa sa 1,200 adult noong Hunyo 2023 survey.
Isinagawa ang survey Sept. 28-Okt. 1, 2023 gamit ang face-to-face. Nasa 1,200 adult ang tumugon sa naturang survey.
- Latest