Vice President Sara ‘di dapat makialam sa usapin na labas sa kanyang tungkulin - lawyer
MANILA, Philippines — Hindi na dapat makialam pa si Vice President Sara Duterte sa mga usapin na labas na sa kanyang tungkulin bilang Secretary of Education.
Ito ang sinabi ni dating Congressman na si Atty. Barry Gutierez sa umano’y pakikisawsaw ng Bise Presidente sa mga isyu tulad umano ng pagpayag sa International Criminal Court na mag-imbestiga, pagsasagawa ng peace talks ng gobyerno at communist rebels, pakikialam sa foreign relation sa pamamagitan ng pangunguna sa pagbati sa anibersaryo ng China at mga pagsasagawa ng ribbon cutting sa mga pribadong kumpanya.
“Oo, pangkaraniwan na para sa mga politiko na manghimasok at mangialam sa iba’t-ibang isyu at aktibidad, but the extent of Vice President Duterte’s involvement in issues outside her primary function raises questions about her focus and priorities as Secretary of Education,” sabi ni Gutierez.
Anya, maraming problema ang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ng ating bansa, mula sa kakulangan sa guro, imprastraktura at learning materials hanggang sa effectivity ng curriculum ng pampublikong paaralan.
Base sa ulat ng World Bank nitong 2023, 9 sa 10 mga Pilipinong mag-aaral na may 10 taong gulang ay kulang ang kakayahan sa pagbabasa. Patunay ito na nasa isang matinding education crisis ang ating bansa.
- Latest