^

Bansa

‘No to peace talks’ ni Vice President Sara, pabor ilang sundalo - AFP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Romeo Brawner Jr., na ilang sundalo ang sumang-ayon umano sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi na dapat pang  ituloy ng pamahalaan ang peace negotiations sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay Brawner, ginagawa ng mga sundalo ang lahat ng paran upang masawata na ang paghahasik ng gulo at karahasan ng mga terorista subalit ang mga ito ang hindi tumutupad sa usapan.

“Pati nga sa amin eh, sa viber group eh ganyan din ‘yung sentiment ng iba, because of the experience that we had them. Ilang beses tayong nakipag-usap, ‘yung gobyerno natin with them, ano ‘yung ginagawa nila, pinapalaya nila ‘yung mga political prisoners on the disguise na mag-uusap and then pinapalakas nila ‘yung New People’s Army,” paliwanag niya.

Aniya, hindi rin masisisi si VP Duterte sa kanyang pahayag dahil na rin sa paulit-ulit na pakikipag-usap at negosasyon sa mga makakaliwa ang ginagawa ng pamahalaan subalit patuloy pa rin sa paglabag sa kasunduan.

Gayunman sinabi ni Brawner na umaasa silang magiging sinsero at totoo ang gagawing peace talks sakaling muling ituloy ang peace negotiations.

Tinawag ni Sara na “an agreement with the devil” ang planong pakikipag-usap ng Marcos administration sa mga komunista.

Sinabi ni VP Sara na hangad niya ang kapayapaan ng bansa subalit hindi niya matatanggap ang ginagawang karahasan ng mga terorista at sa mga nabiktima ng mga ito.

Giniit ni Brawner na tuloy pa rin ang operation laban sa mga te­rorista dahil “exploratory talks” pa lamang ang isasagawa.

Nakikita aniya ang sinseridad ng CPP-NPA-NDF kung pipirma na ang mga ito sa final peace agreement.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with