^

Bansa

Vice President Sara, 2 pa pinasasagot ng Supreme Court sa cconfidential funds

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vice President Sara, 2 pa pinasasagot ng Supreme Court sa cconfidential funds
Sa notice na may petsang Nobyembre 14 ngunit inilabas lang ng SC nitong Lunes, pinasasagot ang tatlo sa loob ng 10 araw pagkatapos na matanggap ang naturang notice.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Pinasasagot ng Supreme Court (SC) sina Vice President Sara Duterte, Executive Secretary Lucas Bersamin, at Budget Secretary Amenah Pangandaman ukol sa petisyon na inihain ng isang grupo na kumukwestiyon sa P125 milyong confidential funds noong 2022.

Sa notice na may petsang Nobyembre 14 ngunit inilabas lang ng SC nitong Lunes, pinasasagot ang tatlo sa loob ng 10 araw pagkatapos na matanggap ang naturang notice.

Matatandaan na noong Nobyembre 7, naghain ng petition for certiorari ang grupo na pinangungunahan nina Atty. Christian Monsod, Katrina Monsod, Barry Guttierez, at RP Santiago laban sa paglipat ng naturang pondo mula sa Office of the President patungo sa Office of the Vice President na sinabi nilang labag umano sa Konstitusyon.

Iginiit pa ng mga petitioners na dapat isauli ng OVP ang naturang pondo sa ingat-yaman ng gobyerno.

Natanggap na umano ni Pangandaman ang naturang notice at nakiki­pag-ugnayan na sa Office of the Solicitor General (OSG) ukol sa magiging hakbang.

vuukle comment

FUNDS

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with