^

Bansa

ACT-CIS Most Sustainable & Livable Partylist

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support o ACT-CIS Partylist ay pinarangalan bilang Certified Most Sustainable and Livable Partylist sa Nation Builders and Mosliv Awards 2023 kamakailan.

Ang naturang partylist ay binigyan ng pagkilala dahil sa kanilang best practices, sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan na sina Represen­tatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo.

“Malaking karangalan po ito na mabigyan ng pagkilala ang ACT-CIS Partylist. Sa ilang taon na paninilbihan natin, napatunayan natin na tayo ang kakampi ng mga inaapi sa loob at labas ng Kongreso,” ayon kay Congressman Erwin Tulfo.

“Kahit saan na may Pilipino, nandyan ang ACT-CIS Partylist. Tayo ang takbuhan ng mga inaapi at inaabuso, tayo ang aaksyon para sa kanilang mga hinaing. Bukod sa tanggapan ng bawat kinatawan ng ating partylist, meron rin tayong ACT-CIS Action Centers sa iba’t ibang parte ng bansa,” pahayag naman ni Congressman Yap.

Dagdag naman ni Congresswoman Tulfo, “Itong Action Centers natin ay naging epektibo na pamamaraan para mas mabilis natin ipaabot ang ating serbisyo sa ating mga kababayan. Naging benchmark rin ito sa iba pa na gustong maghatid ng tulong.”

“Maaasahan po niyo na tuloy-tuloy lang ang ating pagtulong. Maging sa pagpapasa ng mga panukala para isulong ang karapatan ng bawat Pilipino hanggang sa pagbibigay ng mga agarang serbisyo, narito ang inyong #1 Partylist - ang ACT-CIS,” pahabol naman ni Congressman Erwin Tulfo.

vuukle comment

ACT-CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with