Marcos nakatutok sa hinostage na 17 Pinoys sa Red Sea
Pagdalo sa Climate Summit kinansela
MANILA, Philippines — Kinansela ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang biyahe nito kahapon para dumalo sana sa Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) sa Dubai, United Arab Emirates.
Sinabi ni Marcos na may mas mahalagang development na kailangang atupagin kaugnay sa 17 Filipino seafarers na hinostage sa Red Sea.
“In light of important developments in the hostage situation involving 17 Filipino seafarers in the Red Sea, I have made the decision not to attend COP28 in Dubai tomorrow,” pahayag ng Pangulo.
Magpapatawag ng pulong ang Pangulo upang makapagpadala ng isang high-level delegation sa Tehran, Iran para matulungan ang mga seafarers.
“Today, I will be convening a meeting to facilitate the dispatch of a high-level delegation to Tehran, Iran, with the aim of providing necessary assistance to our seafarers,” dagdag ng Pangulo.
Samantala, ipadadala ng Pangulo si Environment Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga para pangunahan ang delegasyon.
“I have entrusted DENR Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga to lead the COP28 delegation and articulate the country’s statement on my behalf,” wika niya.
Matatandaan na isang British-owned cargo ship na pinapatakbo ng isang Japanese company lulan ang 17 Filipino seafarers ang pinasok ng armadong grupo sa Red Sea.
Nasa 25 crew ang sakay ng cargo ship na mula sa Bulgaria, Ukraine, Pilipinas, Mexico at Romania.
Biyaheng Dubai sana ngayong araw si Pangulong Marcos hanggang Disyembre 2.
- Latest