^

Bansa

Recount sa piling mga balota sa 2022 elections, inaprub ng Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan na ng Commission on Elections (Comelec) ng awtorisasyon ang recount o muling pagbilang sa mga piling balota kaugnay ng 2022 National at Local Elections para maresolba na ang mga akusasyon ng iregularidad na ibinabato dito.

“This is consistent with the Commission (En Banc)’s commitment to uphold fair, orderly, and honest elections and to pursue all avenues to strengthen transparency in the conduct of elections,” ayon sa resolusyon.

Kaugnay ito sa ibinabatong akusasyon ni ­dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Eliseo Rio, Jr. na nagkaroon umano ng hindi pagkakatugma sa mga boto na ibinato electronically.

Ayon sa Comelec, hindi naman gagastos ang mga petitioners sa isasagawang recount sa mga balota.

Kabilang din ang recount sa inilabas na resolusyon na nagdidiskuwalipika sa Smartmatic sa bidding sa anumang halalan.

Bagama’t hindi pa rin kuntento sa desisyon, pinuri pa rin ni Rio ang hatol na perpetual disqualification sa Smartmatic.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with