Guarantee Letter ng DSWD, suspendido mula Disyembre 7
MANILA, Philippines — Suspendido pansamantala ang pagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Guarantee Letter simula Disyembre 7 hanggang 31, 2023 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng DSWD sa buong bansa.
Ayon kay DSWD Asst Sectretary Romel Lopez, ang hakbang ay upang bigyang-daan ang annual liquidation na bahagi ng taunang fiscal obligation ng ahensiya alinsunod sa utos ng Department of Budget and Management at ng batas.
Anya, ang suspension ay magbibigay ng sapat na oras para maayos ang kailangang mga dokumento para mabayaran ng DSWD ang mga service providers sa mga naiabot na tulong sa mga kliyenteng nakakuha ng benepisyo mula sa ahensiya sa pamamagitan ng GL.
Ang GL ay kalimitang gamit pambayad sa hospital bills at iba pa.
Gayunman, patuloy naman ang pamimigay ng DSWD ng outright cash assistance para sa mga qualified beneficiaries. Ang pagkakaloob ng GL ng DSWD ay bukas ulit sa January 2024.
- Latest